Pagkain ng Hinog na Mangga


Kurutin mo ang tulis na dulo
At hubaran ang palibot nito
Pero huwag mong balatan ng tuwiran
‘Yung tama lang para mayroon kang makagat
Lasapin mo ang lahat ng nakalantad na laman
Piho, may aagos na katas, agapan mo
Kasi baka tumulo sa kamay mo
Ang pinakamahusay nga’y dilaan mo na ito
Sumige ka lang, kahit na puro katas
Ang nguso mo’t baba – masarap naman
At kapag nangalahati ka na hubaran mong
Dahan-dahan ang natitira’t kagatin
Mula sa itaas, mula sa tagiliran
Sa pagkatas nito, kahit na pahalik ka’t pasipsip na
Hindi maiiwasang may tutulo sa mga daliri mo
Pero huwag mong bitiwan
Huwag mong pakadiin
Kasi hindi masarap ang lamog o ang malapirot na
Ipitin mo sa mga labi ang basang buhok
Sipsipin mong pahagod hanggang maubos ang katas
Tapos hubaran mo na ng tuluyan
Baliktarin mo’t kagatin mula sa ilalim
Banayad, hanggang sa may malambot sa dila himurin hanggang buto.

--way back our LIT CRIT days...

Comments

Popular posts from this blog

For You

Bentedos Rapsa: Mi Familia