Agos

"Agos"
-nimsaj_acilegna-

Ang tinig na sa aki'y umaaliw,
Mga matang animo'y naglalambing
Nagsusumamong damhin at dinggin
ang mumunting hiling
ng pusong uhaw sa pag-ibig.

Samyo at daloy ng dugo
Patuloy na kumakabit
sa aking buong pagkatao
Na pilit pinag-iisa, pinagbibigkis
Ng pagmamahal na walang kasintamis.

Tibok ng puso'y di mapigilan
sa pagpintig ng mabilisan
Sa tuwing aking nasisilayan
At aking nararamdaman
Kakulitang tunay niyang katangian.

Kasalanan mang maituturing
ang pagsunod sa silakbo ng damdamin
Matinding pagkagulumihanan
man idulot nitong
"lihim" na pagtangi

Masaktan man ng higit
Nitong tinatawag na
"bawal na pag-ibig"
Puso'y patuloy na pipintig
sa agos ng kabaliwan ng sa kaniya'y tumatangi.

Comments

Popular posts from this blog

Pagkain ng Hinog na Mangga

Kung Tuluyan...

Bentedos Rapsa: Mi Familia