Kung Tuluyan...

Kung tuluyang ika'y mawawala
Ano na ang kahihinatnan
Ng mga pangarap na binuo
Kasama ng mga pusong nananahan
Sa lilim ng ating pagmamahalan?

Kung tuluyang ika'y mawawala
Saan na mapupunta
Ang pagmamahal na inilaan
Na tanging sa iyo'y
Buong-buo ibinigay?

Kay hirap namang isipin
Na ang dalawang pusong
Minsang nagbigay-saya
Ay maghihiwalay
Nang dahil lamang sa iba.

Pilit lumalaban ngunit bakit iba
Ang pakiramdam na nag-iisa ka lang?
Animo'y isang dahong nakabitin sa sanga
Naghihintay lamang na dampian
Ng hangin at malaglag sa lupa.

 Aasa na lamang na maramdaman
Ng pusong ngayo'y balisa
Ang pangangailangan pa
Ng pagmamahalang uhaw
Sa pag-ibig nating dalawa.

-bakit ko ba naisulat ito? hahaha :))  *Weird*

Comments

Popular posts from this blog

Pagkain ng Hinog na Mangga

For You